A fan meet her idol Alden Richards
Ang mga stress reliever at gamot ng nanay ko.. ( Si Alden, Bossing Vic at Fr. Danee ).. Kapag t sinusumpong ng todo at nagwawala ang nanay ko dahil sa kanyang sakit na dementia/alzheimers sasabihin ng kapatid ko sa akin tawagan mo ang nanay para kumalma.. Kung talagang di pa rin tumitigil..dadalhin pa siya ng mga kapatid ko sa mall para lang makahanap ng standee ni Alden para lang din malibang at kumalma siya... Sino po bang may magandang loob na pwede ihanap kami ng standee nina Alden at Bossing na pwede bilhin para sa nanay ko.? Hindi daw po pwede ibenta o ipamigay yung mga nasa mall.. From standee to standing... Nagkita na si BAE AT SI BAY ( tawag namin sa nanay sa bahay). Dati ang nanay tuwang tuwa na at kinikilig at nawawala ang sumpong ng sakit kapag nakakita ng standee ni Alden sa mga malls.. Ngayon may mga standee na ang nanay sa bahay.. Salamat sa mga nagbigay.. Pero ang pinakamagamdang naganap sa araw na ito si Alden standing na in person sa tabi ng nanay ko.. Pinahanap ni Alden ang nanay matapos mapanood ang video at makita pictures ng nanay. At grabe ang sorpresa ni Alden kay nanay.. KANINA LANG NAGANAP ANG KANILANG PAGKIKITA. Nag-date sila sa Concha's.. Belated birthday celebration ng nanay ko sinagot ni Alden at ng kanyang mga fans club... Iba ka talaga Alden. Napakabuti ng iyong puso. Dahil sa ginawa mo sa mother ko lagi kita isasama sa mga mass intentions ko.. Di namin kayang suklian ang iyong kabutihan. God bless you and your family always.
0 Comments
Leave a Reply. |
10 Recent Post
Archives
September 2019
Categories
All
|