Alden Richards says it's easy working with leading lady Kathryn Bernardo and the staff and crew of Hello, Love, Goodbye. Kapansin-pansin ang mas magandang pangangatawan ni Alden Richards ngayon.
Mas bumata siyang tingnan sa bago niyang hairstyle. "Kailangan po, e, para po sa movie [Hello, Love, Goodbye] iyong hair at saka iyong tattoo," pahayag ni Alden nang makausap namin sa community day/blessing ng fast food franchise niya Biñan Highway, Laguna, noong Abril 24, Miyerkules. "Then iyong pagpayat ko po, talagang nagtuluy-tuloy na rin po. Na-maintain ko na rin po iyong diet ko rin po." Dire-diretso ang shooting ni Alden para sa Star Cinema movie na Hello, Love, Goodbye sa Hong Kong. Umuwi lang siya sa bansa ng ilang araw para sa grand opening ng fast food franchise niya. Ngayong Abril 28, Linggo ay babalik siya sa HK para sa natitirang 10 shooting days. "Sobrang gaan ng shooting namin. Sobrang nilu-look forward ko araw-araw iyung shooting days," lahad ni Alden. "Kasi iyong treatment na binibigay sa amin ng Star Cinema, kakaiba. Parang hindi nila ako trinato na iba o taga-ibang network," sabi ni Alden. Sa mga social media posts nila ay parang ang saya-saya nila sa Hong Kong at magkaka-vibes sila agad. "Sobrang saya po, mula director, staff, co-stars to crew, solid po kami. Yun po siguro ang advantage ng small group, mas nagiging intact, at saka iyong out-of-the-country po." Nakakarating din kay Alden ang mga positibong komento ng mga fans na gustong mapanood ang unang pelikula niya sa Star Cinema at unang tambalan nila ni Kathryn Bernardo. "Excited po ako na mapanood nila ‘to dahil ang ipapalabas po namin sa pelikulang ito ay mga makabagong OFW po," sambit ni Alden. "Kagaya nga po ng sabi ng Star, it's been a while since the last OFW movie na nagawa po nila. "It's about time na kamustahin naman natin ngayon, ano nga ba ang lagay ng mga OFW sa abroad, especially in Hong Kong? Tribute po natin ito sa mga kababayan natin sa Hong Kong, movie nila 'to. Ito iyong mga nangyayari ngayon, at inaral po talaga nilang mabuti. Si Direk, lumipad back and forth ng Hong Kong to Manila para aralin iyung culture ng Pinoy doon. At yung script, grabe po yung script, ang ganda!" Kumusta sila ng leading lady niya na si Kathryn? "Sobrang dali pong pakisamahan, yun lang ang masasabi ko!" bulalas ng pambansang bae. "Wala pong halong kung ano mang PR ang experience ko po sa kanya. Sobrang gaan katrabaho, yung passion po niya sa ginagawa at yung inputs niya sa project, mas nakaka-inspire. "Si Direk Cathy [Garcia-Molina] rin po, meticulous at kalog na kasama. Yung after the movie, kaibigan mo pa rin siya." Kumusta naman si Daniel Padilla na dumalaw sa set noong Holy Week? "Nagkita naman po kami kasi, sinurprise po niya si Kath, since holiday naman po rito," salaysay ni Alden. "Pero hi and hello lang po kami kasi, hinatid lang po si Kath sa bus 'tapos nag-pull out na po kami. 'Tapos hindi na po kami nagkita after. Nag-surprise siya since holiday po noon dito." Samantala, wala pang ideya si Alden pagdating sa gagawin niyang teleserye sa GMA-7. Malamang na pagkatapos niyang mag-shooting ng Hello, Love, Goodbye ay lilipad na siya papuntang New York para sa Kapusong Pinoy Musikalye sa Mayo 11. Kasama niyang magpe-perform sa King’s Theater, Brooklyn, New York ang iba pang Kapuso stars tulad nina Christian Bautista, Rayver Cruz, Golden Canedo, Kyline Alcantara, Betong Sumaya, at Julie Anne San Jose. "Baka po nandito na rin po kami ng May 14 or 15 po," sabi pa ni Alden.
1 Comment
Lea
5/1/2019 01:19:32 am
Please include... the journey... apt lenten presentation 2019. Thank you . You did so a good job for this updates.
Reply
Leave a Reply. |
10 Recent Post
Archives
September 2019
Categories
All
|