Alden Richards on acting as his greatest gift: "With this gift, binago po nito ang buhay ko. But, as much as it’s changing my life, I’m changing others as well through the inspiration they get through the projects that I make, especially po the fans." “Ang pagiging actor ko po.”
Ito ang mabilis na sagot ni Alden Richards nang tanungin kung ano ang pinaka-best gift na natanggap niya. Paliwanag ng tinaguriang Asia's Multimedia Star, “With this gift, binago po nito ang buhay ko. "But, as much as it’s changing my life, I’m changing others as well through the inspiration they get through the projects that I make, especially po the fans. “Ang ikinatutuwa ko po kasi, mahal ko po ang trabaho ko. "Mas minamahal ko po siya kapag may nababasa akong comment, mga lumalapit na, ‘O, Alden, ang ganda ng ginawa mo na ganitong klaseng project and you changed my life.’ “And siguro, yun po ang nagiging goal ko. “Sa lahat ng ginagawa kong proyekto, gaano ba kalaking inspirasyon ang maibibigay nito sa mga manonood and sa sarili ko and sa co-actors and everyone involved in the creative process. “Siguro, yun po talaga ang higher calling ng trabaho naming lahat. "Yung hindi lang po kami artista, hindi lang po kami nagpu-portray ng mga roles, hindi lang po kami nakikita sa TV. "But, the higher calling po sa aming mga actors is really to give inspiration to people at mga kababayan nating Pinoy." LIFE AFTER LOVE TEAM Naitanong din kay Alden sa mediacon ng The Gift nitong Setyembre 9, Lunes, sa Prime Hotel, Quezon City, kung maiko-consider niyang isang “gift” ang nakahiwalay na siya sa love team. Phenomenal na maituturing ang AlDub love team nina Alden at Maine Mendoza na nabuo dahil sa Kalyeserye ng Eat Bulaga! noong 2015. Ngunit ngayong 2019 ay nagsimula nang magkanya-kanya ng proyekto sina Alden at Maine. Ayon sa Kapuso actor, “Blessing in a way po na binigyan po ako ng chance na mag-grow. “Blessing din po yun kasi masarap po ang pakiramdam na nakakagawa ka ng mga proyekto na nagiging proud ka sa sarili mo. “So, masaya po ako sa mga nagiging desisyon ko ngayon.” Bukod sa The Gift, palabas pa rin sa maraming sinehan ang pelikula ni Alden katambal ang Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo, ang Hello, Love, Goodbye. Sa kasalukuyan ay halos P900 million na ang box-office gross ng Hello, Love, Goodbye at ito na ngayon ang may hawak ng record bilang highest-grossing Filipino film of all time. Si Maine naman ay may ginagawang pelikula katambal si Carlo Aquino, ang Isa Pa With Feelings. SHOOTING IN DIVISORIA Marami sa mga eksena sa The Gift ay kinunan sa mataong lugar na Divisoria. Isang street-smart na punung-puno ng positibong disposisyon sa buhay, pero nabulag na tindero sa Divisoria ang karakter ni Alden bilang si Sep. Inamin ni Alden na mahirap ang mag-taping sa Divisoria. “Mahirap po kasi alam naman po natin na ang Divisoria is a very busy area po. "Siyempre po, meron silang regular programming doon at parang ngayon lang din po ako naka-experience na makapag-taping sa ganun ka-busy na palengke. “So, medyo may struggle po kami. “Nahihirapan po kaming mag-taping kasi, minsan po, kahit marami na pong tumutulong para mai-tone down po ang crowd, medyo nahihirapan pa rin po, in a way, pero nairaraos pa rin po namin ang taping.” Sa kabilang banda, ang mismong lugar kung saan sila nagte-taping ay nakakatulong para mas ma-internalize nina Alden ang mga karakter nila. Sabi ni Alden, “Na-miss ko po talagang mag-portray ng mga ganitong roles kaya tuwang-tuwa po ako na sa mga ganung area po ang location namin.” MEETING YORME ISKO Ang courtesy call ni Alden at iba pang cast ng The Gift kay Manila Manila Isko Moreno ay may kaugnayan sa primetime series nila. Ayon kay Alden, “It’s the first time po na ma-meet ko si Mayor Isko after na ma-elect po siyang mayor ng Manila. "And I was so impressed sa naging development po ng Manila ngayon, sa pamumuno po niya. “At nakakatuwa po na ito pong The Gift, magiging passage siya para mai-showcase ng mga Manileño, especially mga Kapuso natin all over the Philippines, kung paano nag-improve ang Manila.” Mismong si Alden ay nakita ang malaking pagbabago ng mga lugar sa Manila sa pamumuno ni Mayor Isko. “Nakakatuwa po kasi kitang-kita natin ang kaibahan ng Manila sa mga pinagsu-shootingan po naming area, yung improvement.”
0 Comments
Leave a Reply. |
10 Recent Post
Archives
September 2019
Categories
All
|