Matapos ang isang taon, marami nang napagtagumpayan ang Pambansang Bae Alden Richards. Sa kanyang career pa lamang ay nag-uumapaw na ang blessings para sa kanya. Kasama na rito ang kanyang 7x platinum Wish I May album, mga pelikulang My Bebe Luv at Imagine You & Me na talagang pinilahan ng mga manonood at kabi-kabilang concerts, gigs at tours dito sa Pilipinas at maging sa isang bansa. Buong taon man siyang naging abala at tila walang pahinga, wala siyang reklamo dahil puro magagandang alaala at karanasan daw ang dala ng nakaraang taon para sa kanya. “It has been my life already, parang ganun. Naging part na siya ng routine ko,” panimula ni Alden.
Hindi rin daw dinidibdib ng aktor ang kanyang mga kailangang gawin at mga pinagkakaabalahan. “Kumbaga kung masyado kong sineryoso ‘yung trabaho, mabu-burn out ako. So I treat it as a treat for myself. Kumbaga ‘yung nakakapag-abroad, I meet people, to make people happy, and I do it in honor of the Lord,” paliwanag ni Alden. “I’m good. I’m good with everything’s that’s happening. Walang pagod. [It’s] worth it, [I feel] fulfilled. More pa, more,” dugtong niya. Sa tagumpay na kanyang tinatamasa hanggang ngayon, ano pa kaya ang nais makamit ni Alden? Dito ay tila magkapareho sila ng plano ng kanyang love team partner na si Maine Mendoza. Aniya, “I’m just letting life, and chance, and the Lord surprise me. Whatever it is, I’m ready. There are no plans.”
0 Comments
Leave a Reply. |
10 Recent Post
Archives
September 2019
Categories
All
|