Chef Gemma Sembrano, ibinahagi kung paano nabuo ang restaurant na pag-aari nila ni Alden Richards7/28/2016 Ibinahagi ng business partner ni Alden Richards sa Concha's Garden Cafe na si Chef Gemma Sembrano kung paano nagsimula ang kanilang restaurant sa Tagaytay. Kuwento ni Chef Gemma sa Taste Buddies nitong Sabado, July 23, "Frequent guest kasi namin siya sa Silang (Cavite). So napansin ko talaga almost everyday, nandoon siya. So sabi ko this year ko lang siya in-offer na sabi ko baka gusto mong maging mag-business partner tayo. Maglalagay ako ng branch dito sa Tagaytay. So napakadali niyang kausap. Oo kaagad siya sabi niya "sige Ate Gemma, I'm very interested". 'Yun doon na nag-start 'yun."
Para kay Chef Gemma, tinatangkilik ang kanilang restaurant dahil alam ng lahat na ito ay co-owned ni Alden. Aniya, "Big help talaga kasi dito sa branch namin dito sobrang daming taong pumupunta. Tinutulungan kasi siya ng mga fans niya, nagvi-visit dito. So it's a big help talaga. Pati 'yung sa Silang branch namin, malaking tulong din siya dahil lahat talaga ng supporters niya pumupunta." Ni-reveal rin ni Chef Gemma ang mga paboritong dishes ni Alden. "Shrimp Gambas and Laoya. Laoya is soup, lightly sweetened then may color siya na medyo reddish siya na may tomato sauce. Then may vegetable din siya. 'Yung iba akala nila nilaga lang; meron siyang dip, it's mashed na kamote, eggplant, and banana is saba. May vinegar and garlic, so 'yun ang pinakasawsawan niya hindi patis."
0 Comments
Leave a Reply. |
10 Recent Post
Archives
September 2019
Categories
All
|