NGAYONG araw na ito ang lipad ni Alden Richards papuntang Thailand. Tatlong araw din daw si Alden sa Thailand para mag-guest at the same time, magpasalamat sa mga Thai na tumangkilik ng dalawa na niyang primetime series. Ipinalabas pala ang serye nila noon ni Louise delos Reyes na One True Love at ang Carmela naman nilang dalawa ni Marian Rivera. Kilala si Alden sa Thailand. Walang kaibahan sa kung paano ang ibang Korean actors naman na ipinapalabas sa bansa na mga Korean soaps ang kasikatan din ni Alden sa Thailand.
Hanggang November 8 si Alden sa Thailand sa imbitasyon ng JNK Global Media. Bukod kay Alden, pupunta rin ang cast ng My Husbands Lover na kinabibilangan naman nina Tom Rodriguez at Dennis Trillo. Ipinapalabas din sa naturang bansa ang MHL. Nang makausap namin si Alden, masaya ito sa success ng mga serye niya sa naturang bansa. Sabi nga ni Alden, “Sobrang nakaka-proud po at sobrang masaya na ‘yung mga teleserye natin dito, tinatangkilik din sa ibang bansa tulad nga po ng Thailand. “Katulad po ng One True Love, matagal na pong naipalabas ‘yun at dalawang beses na po yata at marami na ang nagkagusto kaya nagpapasalamat po ako. Excited din po akong ma-meet naman ang mga taga-Thailand and also some Pinoy po na nandoon.” Pagbalik ni Alden, magte-taping siya ng special episode ng Magpakailanman tungkol sa kuwento ng isang Marawi soldier. --- Abante Tonite
0 Comments
Leave a Reply. |
10 Recent Post
Archives
September 2019
Categories
All
|