Alden Richards has taken a "non-pake" stance on negativity, brushing off whatever bashing he receives on and offline. "Kaya kahit ano pa po ang sabihin nila sa akin, sa pamilya ko po, sa mga kaibigan ko, hindi po nila zko mabi-break. Kasi mas kilala ko po ang sarili ko." Isa si Alden Richards sa mga artistang napakaraming supporters, ngunit hindi maikakailang isa rin siya sa mga artistang paboritong i-bash ng bashers.
Paano niya nababalanse ang lahat, lalo na pagdating sa social media? Pahayag ng Pambansang Bae sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), "Ako po kasi, I’ve always been sympathetic, regardless kung anumang side po. "Naiintindihan ko po ang side ng mga fans. "Naiintindihan ko po ang side ng mga nagagalit, mga sumusuporta. "Siguro po, kaya rin ako tumatagal sa showbiz, hindi ko po masyadong mina-mind yung negativities. "Doon po kasi nasisira ang mga tao. "Hindi lang artista, kahit sino naman, basta naapektuhan ka ng mga negative feedback, negative things that’s happening. "Parang unti-unti, maaapektuhan ka ng negative, mawawalan ka ng tiwala sa sarili mo. "Madidiskaril ka at hindi mo magagawa ang mga bagay na nagagawa mo before. "So, ako po, ganun lang po [di nagpapaapekto].” Sabi pa ni Alden, nahahawa na ang ilan sa kanyang fans sa di niya pagpansin sa mga negatibong komento. "Nakakatuwa lang din po minsan, nagbabasa ako ng Twitter, sinasabi nila na parang gusto nilang kunin yung 'non-pake' [ko]. "May ganun, e. "Yung 'non-pake' raw po ni Alden Richards, na kahit gaano po kabigat yung ibinabato nila sa akin, mas kilala ko po ang sarili ko at kilala po ako ng mga tao sa paligid ko. "Kaya kahit ano pa po ang sabihin nila sa akin, sa pamilya ko po, sa mga kaibigan ko, hindi po nila ako mabi-break. "Kasi, mas kilala ko po ang sarili ko." 2017 HIGHLIGHTS. Ipinagdiwang ni Alden ang kanyang ika-26 kaarawan noong January 2. Pero sa Sabado, January 6, magkakaroon siya ng birthday treat para sa kanyang fans. Ito ang "One Fun Day with the Bae @ EK," na gaganapin sa Enchanted Kingdom sa Sta. Rosa, Laguna. Sa panayam ng PEP.ph kay Alden noong nakaraang linggo, sinabi nitong masaya siya sa mga nangyayari sa kanyang buhay, lalo na sa career. Kuntento raw siya kung ano ang mayroon siya at nagpapasalamat sa mga nangyari noong 2017. Pahayag ng Kapuso star, "Masaya po, parang since nagsimula naman po ako sa showbiz, it’s getting better. "Paganda nang paganda yung mga opportunities. "Kasi ako, tinitingnan ko naman po siya sa magandang side, something worth of my time and my effort.” Kasama raw sa mga highlight ng kanyang 2017 ang ginawa nilang primetime series ni Maine Mendoza sa GMA Network, ang Destined To Be Yours. Paglalahad niya, "Yung Destined To Be Yours po. "Then, yung ginawa kong martial law special, Alaala. "Yung Marawi episode ko sa Magpakailanman. "Isa po yun sa pinakamagandang nagawa ko ng 2017 dahil parang naging instrumento po ako sa hindi masyadong nakikitang side na ipinaglalaban ng mga Kapuso nating sundalo. "With that material, naipakita po natin sa audience ang pinagdadaanan nila at ang uncertainties ng trabaho. "Napakahirap. Kasi, buhay yun, e. Buhay po ang ipinupuhunan, so hindi madali. "I’m so happy na maganda po ang feedback ng mga tao with regards to [the] Magpakailanman episode." Para kay Alden, ang 2017 ay parang pagbabalik niyang muli sa pag-arte. "Na-miss ko po, sobra," pag-amin niya. "Alam naman po mostly ng mga sumusuporta sa akin na actor po talaga ako bago nangyari ang lahat ng bagay na ito. "So, nakaka-miss pong gawin yung mga bagay na nakasanayan. "Doon po ako nagsimula, so masarap pa rin pong balik-balikan at saka nakaka-miss.” NEW TELESERYE? Bago pa man matapos ang 2017, naglabas na ng lineup ang GMA-7 ng mga programang dapat abangan ngayong 2018. Isa rito ay ang napapabalitang teleseryeng pagbibidahan ni Alden. Posible bang sa 2018 ay mas mapapanood siya bilang dramatic actor? "Naku po, abangan niyo po 'yan," tugon niya. "So far po, ang daming plano ng management. Hinihintay ko lang din po talaga kung ano ang magiging final. "It’s [going to be] a big 2018, sana po abangan nila." Wala pa mang pinal na detalye tungkol sa kanyang teleserye, excited na si Alden sa bagong proyektong ito. Ayon sa kanya, “Hindi pa po masyadong malinaw ang konsepto. "Pero yun po, parang magkakaroon nga po ng show this year. "Hindi ko pa lang po alam kung second, third or fourth quarter ng taon. "Hindi pa po malinaw. Kahit ako po, nae-excite."
0 Comments
Leave a Reply. |
10 Recent Post
Archives
September 2019
Categories
All
|