Pabor si Alden Richards sa suhestiyon na magkaroon ng random drug test sa lahat ng mga nagtatrabaho sa entertainment industry, kabilang na ang mga artista. Mas maganda raw ito para sa maayos na working environment sa showbiz. Pahayag ng Kapuso actor-TV host sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Yes, I agree na magpa-drug test ang mga arista. “At least para sure tayo na walang gumagamit ng drugs among my co-workers in the industry. “Tsaka, pagdating naman sa drug test, no one’s exempted. “Dapat talaga may mga ganyang klaseng ano [gawain sa insdustriya].” Nagpa-drug test na ba siya? Tugon ni Alden, “Hindi pa. “Pero ako, I assure you 100 percent na I never used drug in my whole life. “One hundred ten percent, hindi ako nagda-drugs.” Marami nang artista ang nagboluntaryong magpa-drug test alinsunod sa kampanya ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na masugpo ang paglaganap ng droga sa bansa. Nakausap ng PEP si Alden bago siya sumakay sa kanyang kotse matapos ang launching nila ni Maine Mendoza bilang bagong endorsers ng Platinum Karaoke, ngayong Huwebes ng gabi, September 22. STATUS WITH MAINE. Sa presscon proper na ginanap sa ballroom ng Manila Peninsula Hotel, sa Makati City, sinabi nina Alden at Maine na masaya pa rin ang samahan nila dahil lalo raw tumibay ang kanilang love team.
Sa tanong ng PEP kung ano na ba ang status nilang dalawa sa ngayon, halos sabay nilang sabi: “Happy.”
0 Comments
Leave a Reply. |
10 Recent Post
Archives
September 2019
Categories
All
|