Alden Richards was a big winner at The PEP List Year 3 Awards Night held this Sunday, August 21, at Crowne Plaza. The Pambansang Bae won Male TV Star of the Year, Newsmaker of the Year (Aldub), Celebrity Pair of the Year (Aldub), Best PEPtalk episode, and Male Stylish Star of the Night. Humakot ng tropeyo ang Pambansang Bae na si Alden Richards sa The PEP List Year 3 Awards Night na ginanap nitong Linggo, August 21, sa Crowne Plaza Hotel.
Ilang beses nagpabalik-balik sa stage si Alden para tumanggap ng award. Nagkataon pang nasa Amerika ngayon ang ka-love team niyang si Maine Mendoza, na humakot din ng awards, kaya siya na rin ang tumanggap ng tropeyo para rito. Bukod sa mga award na Male TV Star of the Year, Newsmaker of the Year (Aldub), Celebrity Pair of the Year (Aldub), at Best PEPtalk episode, si Alden rin ang napiling Male Stylish Star of the Night ng The SM Store. Biro nga namin kay Alden, 'hakot awards' siya sa gabing yun. 'Makahakot naman!' natawang sabi naman ng Kapuso star. 'Grabe, hindi ko nga po in-expect. 'Pero thankful po ako kasi I've been attending PEP [List]. I think, pang-second time ko pong maka-attend. 'Yung first time ko, wala po akong nakuha. 'Ngayon po, in behalf of Maine, sobrang thankful po kami sa PEP at sa lahat po ng bumoto.' TOP STAR. Sa kabila ng tagumpay na tinatamasa niya ngayon, naiilang o hindi pa rin kumportable si Alden kapag sinasabi ng ibang tao na 'top star' siya, lalo na sa bakuran ng GMA Network. 'Walang ganun,' tila nahihiya niyang sabi. 'Siguro po, it's a way of showing kung paano ako inalagaan ng GMA at kung paano ako inalagaan ng Eat Bulaga. 'Sila po ang nagtulungan para marating ko po ang kinalalagyan namin. 'Pero wala naman pong top star, walang ganun.' Aminado si Alden na nitong nakalipas na isang taon ay maraming nagbago sa kanyang career at sa buhay niya. 'Yung pagtanggap po ng mga tao, yung comfort po na nabibigay ko ngayon sa pamilya ko, sobra-sobra,' sabi niya. Ngunit sa lahat ng mga pagbabagong ito, ang pinakamasarap daw sa pakiramdam ni Alden ay ang comfort na naibibigay niya sa kanyang pamilya. Dagdag pa niya, 'At yung binigyan pa ako ng Diyos ng blessing para mai-share. 'Gustung-gusto ko po kasing naibabahagi ang natatanggap ko sa ibang tao, especially sa mga nangangailangan. 'Yun naman po talaga, bine-bless ka kasi alam naman ng Diyos na yung blessing na yun, ibibigay mo at ibabahagi mo sa iba.'
0 Comments
Leave a Reply. |
10 Recent Post
Archives
September 2019
Categories
All
|