Binuksan na sa publiko nitong nakaraang Mayo ang Concha's Garden Cafe sa Cliffhouse, Tagaytay, ang pinakabagong business venture ng Pambansang Bae at “Eat Bulaga!” host na si Alden Richards. Ayon kay Alden, paborito niya ang mga pagkain sa Concha's, na unang nagbukas ng kanilang branch sa Cavite. “Mahilig talaga akong magpunta sa iba't ibang restaurants, especially sa South kung saan ako nakatira. Na-discover namin 'yung Concha's two months after its opening. We already tasted the promise of the food,” kuwento ng Pambansang Bae sa “Sarap Diva” nitong Sabado. (Watch Video Here).
Dagdag pa niya, “Mula noong kumain ako the first time, halos every day na akong bumabalik for the past two years.” Nang mabigyan siya ng pagkakataon, hindi na raw nagdalawang-isip si Alden na mag-invest sa naturang restaurant business. Aniya, “One time, when I was eating. Si Ms. Gemma—my business partner—at 'yung husband niya asked me if I want to invest sa restaurant business. Kapag Concha's ang business, I would love to invest in that... I went there and I was living proof that the food in Concha's is delicious.” Bukod sa pagnenegosyo, abala rin si Alden sa iba't ibang programang kaniyang pinagbibidahan, kabilang na ang noontime show na “Eat Bulaga!” at ang weekly comedy variety show na “Sunday Pinasaya.” Pinaghahandaan na rin ng binata ang pagpapalabas ng “Imagine You And Me,” ang kauna-unahang solo movie nila ng Kalyeserye sweetheart na si Maine Mendoza. —GMA News
0 Comments
Leave a Reply. |
10 Recent Post
Archives
September 2019
Categories
All
|