Alden Richards (left) revealed on Twitter that his late mother suffered depression. His tweet came a day after fellow Eat Bulaga! co-hosts Joey de Leon (center) and Maine Mendoza aired opposing views of depression.
Sa gitna ng usapin tungkol sa depression, inamin ni Alden Richards na ang kanyang yumaong ina ay nakaranas ng isang uri ng depression na nagpahirap dito.
Taong 2008 nang pumanaw si Rosario Reyes Faulkerson, ina ng tinaguriang Pambansang Bae, dahil sa chronic pneumonia. Labing-anim na taong gulang lamang noon si Alden nang mamatay ang ina. Sa kanyang tweet ngayong araw, October 6, sinabi ng 25-anyos na Kapuso actor at Eat Bulaga! host na nagkaroon ng bipolar disorder ang kanyang ina.
My mom suffered from bipolar depression all her life when she had us. I know every single detail of it and how hard she suffered from it.
-Alden Richards
Ayon sa website na www.nimh.nih.gov, ang bipolar disorder o manic-depressive illness, "is a brain disorder that causes unusual shifts in mood, energy, activity levels, and the ability to carry out day-to-day tasks."
Nag-tweet si Alden isang araw matapos talakayin sa “Juan for All, All for Juan” segment ng Eat Bulaga! ang tungkol sa depression. Sa episode ng Kapuso noontime show nitong Huwebes, October 5, nagbigay ng magkasalungat na opinyon sina Joey de Leon at Maine Mendoza tungkol sa depression. Sinabi ni Joey na ang depression ay “gawa-gawa lang ng mga tao.” Pagkontra ni Maine, hindi biro ang depression at kailangang suportahan ang mga taong nakararanas nito. Kinatigan naman ito ni Alden nang sabihin niyang “moral support” ang kailangan ng mga dumaranas nito. Bukod kay Alden, may iba pang mga artistang nagpahayag ng kanilang opinyon tungkol sa depression sa pamamagitan ng Twitter. Sinabi ni Iza Calzado na naging mahirap para sa kanyang pamilya ang pagkakaroon ng depression ng kanyang yumaong ina noong nabubuhay pa ito. Si Iza ay dating co-host sa Eat Bulaga! bago siya lumipat sa ABS-CBN. Inamin din ni Jake Ejercito na dumanas siya ng depression. Nagpahayag din ng ganitong sentimyento sina Mariel de leon, Jodi Sta. Maria, Khalil Ramos, Jasmine Curtis-Smith, at Bela Padilla.- PEP.ph
0 Comments
Leave a Reply. |
10 Recent Post
Archives
September 2019
Categories
All
|