Powered by
ALDEN RICHARDS
  • HOME
  • NEWS
  • GALLERY
  • VIDEOS
  • CAREER
    • TV SHOWS
    • MOVIES
    • ALBUM | MUSIC
    • ENDORSEMENTS
    • MAGAZINES
  • AWARDS
  • ABOUT

Alden Richards putting up foundation for orphaned and sick children, elderly

7/26/2016

0 Comments

 
Picture
Hindi nagsasawang magpasalamat ang Pambansang Bae at “Eat Bulaga!” host na si Alden Richards para sa mga biyayang natatanggap niya mula nang pumasok siya sa showbiz ilang taon na ang nakalilipas.
Bilang pasasalamat nga sa Panginoon, sinisiguro niyang nakakapagbahagi siya ng biyaya sa ibang tao, kaya naman bukod sa pagiging mabait, nakilala na rin siya ng marami sa kaniyang pagiging mapagbigay.

Sa naganap na thanksgiving get-together niya kasama ang mga miyembro ng press nitong Martes, ibinahagi ni Alden ang pagnanais niyang bumuo ng sariling foundation upang maibahagi pa sa mas maraming tao ang mga natatanggap niyang biyaya.

Aniya, nais niyang opisyal na mailunsad ito ngayong taon o sa unang bahagi ng susunod na taon.

“Hopefully, this year or early next year, makapagpatayo ako ng sarili kong foundation para, at least, mas maging malawak 'yung nararating ng pagtulong natin sa mga nangangailangan,” ayon kay Alden.

Dagdag pa ng Pambansang Bae, “Gusto kong focus is more on mga batang naulila at may sakit, pati na mga matatanda.”

Ayon kay Alden, naniniwala siyang nararapat lamang na ibahagi ang mga biyayang natatanggap niya, lalong-lalo na sa mga nangangailangan.

"Naniniwala ako na kaya ako binigyan ng ganitong blessing ay para mai-share ko sa iba. Hindi para sarilinin o gamitin lang pang-personal. Mas nararamdaman ko 'yung halaga ng mga dumarating na biyaya kapag naibabahagi ko. Kapag sa akin lang, empty,” paliwanag niya.

Bukod sa araw-araw niyang pagbida sa “Eat Bulaga!” at sa “Sunday Pinasaya” tuwing Linggo, bida rin si Alden at ang kaniyang katambal na si Maine Mendoza sa kanilang kauna-unahang solo movie at box-office hit na “Imagine You & Me,” na kinunan pa sa iba't ibang bahagi ng Italy.

Mayroon ding screening ang naturang pelikula sa iba pang bansa, tulad ng Amerika, Canada, United Arab Emirates, Singapore, Australia, at marami pang iba.
GMA NEWS ONLINE
0 Comments



Leave a Reply.

    10 Recent Post

    Alden Richards considers breaking out of love team a "blessing"
    Alden Richards is now a Businessman Bae
    Alden Richards on leading lady Kathryn Bernardo: "Sobrang dali pong pakisamahan!"
    CONFIRMED: Kathryn Bernardo and Alden Richards to top-bill Star Cinema movie
    Alden Richards not sure yet if he will have a project with Maine Mendoza
    Alden Richards answers the question 'what went wrong with AlDub?'
    For 2019, Alden wants challenging projects—and a love life
    Alden Richards plans to go to Croatia and Iceland this 2019
    Alden Richards, sikat na fastfood franchise ang birthday gift sa sarili
    The Utter Coolness of Alden Richards, Laguna Bae

    Archives

    September 2019
    July 2019
    May 2019
    April 2019
    March 2019
    January 2019
    December 2018
    November 2018
    October 2018
    September 2018
    August 2018
    July 2018
    June 2018
    May 2018
    April 2018
    March 2018
    February 2018
    January 2018
    December 2017
    November 2017
    October 2017
    September 2017
    August 2017
    July 2017
    June 2017
    May 2017
    April 2017
    March 2017
    February 2017
    January 2017
    December 2016
    November 2016
    October 2016
    September 2016
    August 2016
    July 2016
    June 2016
    May 2016
    April 2016
    March 2016
    February 2016
    January 2016
    October 2015

    Categories

    All
    Achievements
    Album
    ALBUM I Will Be Here
    ALBUM Say It Again
    ALBUM Wish I May Album
    Alden In My Own Words
    AlDub | MaiDen
    Awards
    Career
    Concerts/Shows
    Concha's
    Destined To Be Yours
    Eat Bulaga
    Encantadia
    Endorsements
    Events
    Featured
    Gives Back
    Habitat PH
    Hello Love Goodbye
    Imagine You And Me
    Kalyeserye
    Magazine Interview
    McDonald's
    Occassions
    Online Trends
    Personal Issues
    Personal Life
    Q And A
    Sunday Pinasaya
    The Gift
    TV Special
    Victor Magtanggol

    RSS Feed

Powered by Create your own unique website with customizable templates.
  • HOME
  • NEWS
  • GALLERY
  • VIDEOS
  • CAREER
    • TV SHOWS
    • MOVIES
    • ALBUM | MUSIC
    • ENDORSEMENTS
    • MAGAZINES
  • AWARDS
  • ABOUT