Alden Richards on tweet about late mom's depression: "I just felt like I wanted to share that."10/13/2017 Alden Richards on inspiring his avid fans with his personal experiences and convictions: "That's really one of my advocacies—to really use media to influence the youth and to influence viewers na nanonood sa amin every day. To be the ones to initiate change in the country—to change for the better, to change for the good." Aminado si Alden Richards na kabilang sa mga pagsubok na pinagdaanan ng kanyang pamilya ang dinanas na depression ng yumaong ina na si Rosario Faulkerson. Noong October 6, isiniwalat ng Kapuso actor, sa pamamagitan ng Twitter, na bata pa lamang siya ay nasaksihan niya ang pagkakaroon ng kanyang ina ng "bipolar depression." Ang ina ni Alden ay pumanaw noong 2008 dahil sa pneumonia. Read here: Alden Richards reveals his late mother suffered from bipolar disorder Inihayag ito ni Alden isang araw matapos magbigay ang kanyang co-hosts na sina Joey Marquez at Maine Mendoza ng magkasalungat na opinyon tungkol sa depression sa "Juan For All, All For Juan" segment ng Eat Bulaga. Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ngayong araw, October 12, sinabi ni Alden na hindi niya inaasahang marami sa kanyang followers ang na-touch sa tweet niya. Aniya, "I just felt like I wanted to share that with the public, just for them to know that I had that experience in my life when I was young." POSITIVE INFLUENCE. Humingi ng pasensiya si Alden kung hindi man siya makapagdetalye tungkol sa personal na karanasan ng kanyang ina. Ang tanging sinabi ng 25-year-old Kapuso actor ay bahagi ng adbokasiya niya ang makapagbigay ng positibong impluwensiya sa kabataan. Narito ang ilan sa feedback ng netizens ukol sa tweet ni Alden: Bukod sa personal niyang karanasan sa buhay, naging usap-usapan din kamakailan ang pagganap ni Alden sa buhay ng dating student activist at martial law survivor na si Boni Ilagan sa docu-drama ng GMA Network na Alaala.
Sabi ni Alden, "I'm very happy. At least napu-fulfill ko yung responsibility ko as a public figure. "That's really one of my advocacies—to really use media to influence the youth and to influence viewers na nanonood sa amin every day. "To be the ones to initiate change in the country—to change for the better, to change for the good." Nakapanayam ng PEP.ph si Alden pagkatapos niyang pangunahan ang Safeguard Global Handwashing Day, na ginanap sa Baseco covered court sa Tondo, Manila, kaninang tanghali. Dito ay nabanggit ni Alden kung gaano siya kapursigido sa buhay ngayon. "I'm happy, motivated, and always on the go." Kung wala rin lang siyang trabaho ay tutok siya sa pagpapatakbo ng Concha's, ang pag-aari niyang Filipino restaurant, bilang co-partner, na may branches sa Tagaytay at Quezon City. Nakangiting dagdag ng binata, "We're gonna be up for franchising next year. Sourcing different businesses pa kung ano yung puwede ko'ng gawin." -- PEP.ph
0 Comments
Leave a Reply. |
10 Recent Post
Archives
September 2019
Categories
All
|