Opisyal nang inilunsad nitong Linggo, August 14, ang “Alden Richards: In My Own Words,” ang kauna-unahang libro ng Pambansang Bae, “Eat Bulaga!” Dabarkads, at “Sunday Pinasaya” star na si Alden Richards. Personal na ibinahagi rito ni Alden ang kuwento ng kaniyang buhay—mula sa pangarap niyang maging piloto, ang pangarap ng kaniyang ina na maging bida siya sa “Marimar,” at ang pagsali niya sa iba't ibang pageants at auditions, hanggang sa tagumpay niya sa showbiz at ang relasyon nila ng kaniyang ka-loveteam na si Maine Mendoza sa likod ng camera. Ang libro raw na ito ang magsisilbing pasasalamat niya sa mga taong walang-sawang sumuporta at nagmahal sa kaniya sa loob ng ilang taon niya sa industriya.
Aniya sa panayam ng GMA News sa naganap na book launch, “It's always been a dream to make a book. Kahit papaano, to leave a legacy. The struggles that I had before starting, papunta dito, it's a rollercoaster. I had difficulties reaching where I am now. In a way, I'd just like to give back to people who have supported me all the way—to the ones who really know me.” “To the people who want to know me, this is a jumpstart. If you read it, you'll know everything about me,” dagdag pa ni Alden. Kung mayroon raw mapupulot na aral ang mga mambabasa sa kaniyang libro, ito raw ay ang kahalagahan ng pagpupursigi na maabot ang pangarap para sa mga mahal sa buhay. Paliwanag ni Alden, “Life's a struggle. There's a lot that you have to endure. You really don't stop fighting for your dreams, especially if you're doing it for somebody, for the ones tha you love—your family and the people closest to you. That's your motivation, sila lang. No one else. Everything that you do is for the people you love and the love you give to people.” Maliban sa librong ito, malapit na ring makita ng AlDub Nation sina Alden at Maine sa sa kanilang pinakabagong magazine cover at feature, na kinunan pa sa Kingdom of Morocco sa North Africa. "It's an out-of-the-box magazine shoot for us, and we're very excited for the cover and the content of the magazine," pagtatapos ng Pambansang Bae.
0 Comments
Leave a Reply. |
10 Recent Post
Archives
September 2019
Categories
All
|