Alden Richards grateful about acting projects that were given to him by GMA Network, "Nagkataon lang din na magaganda yung binibigay sa akin na proyekto kaya tanggap lang ako nang tanggap." Lubos pa rin ang pasasalamat ni Alden Richards sa patuloy na pagdating ng mga proyekto at endorsements sa kanyang showbiz career. Katulad na lamang kahapon, November 24, isang endorsement deal na naman ang pinirmahan ni Alden para sa Cookie's Peanut Butter. “We're still very thankful for the blessings coming our way. “We feel so lucky to have these brands trusting us to be the faces of their products. “We're very happy with the turnout of 2017. We look forward to 2018 po,” sabi ng other half ng phenomenal love team na AlDub. Katulad ng endorsements, masaya rin siya sa mga proyektong ibinibigay sa kanya ng home network niya, ang GMA Network.
Natutuwa siya dahil ang mga ibinibigay sa kanya ngayon ay mga makabuluhang proyekto tulad ng Alaala, ang special series ng GMA tungkol sa Martial Law. Mamayang gabi, November 25, isang Marawi soldier naman ang karakter na gagampanan ni Alden. “Right now, I'm doing anthologies yung mga one-time episodes po, like yung Alaala, which is a really nice project to do kasi may purpose siya, e. “It's not for the sake of makita lang na umaarte ako ulit. It's really something na I'm really grateful for giving me such opportunity,” sabi ni Alden. Dagdag pa niya, “With regard to coming back sa teleserye, parang ngayon ko na-realize na it's a choice as an actor. “It's really a choice if you think or you feel like kinakalawang ka na. “But regardless of what you do for the longest time, you just keep the fire burning inside your heart. “Kasi, for me acting is life, hindi siya profession, hindi siya trabaho. “As an actor, it really has to come deep within you. “You have to make yourself efficient most of the time with the roles that you do.” Kaugnay nito, tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Alden kung mas mapili na siya ngayon sa pagtanggap ng mga proyekto. Sagot niya, “Alam n'yo po, nagkakataon lang talaga na ganun yung mga projects. “So far, wala pa naman akong tinanggihan na project na bigay ng network. “Nagkataon lang din na magaganda yung binibigay sa akin na proyekto kaya tanggap lang ako nang tanggap.” Nakausap ng PEP si Alden matapos niyang pumirma ng kontrata bilang endorser ng Cookie's Peanut Butter. ON BEING REPLACED BY RURU. Samantala, inusisa ng PEP si Alden tungkol sa balitang pinalitan siya ni Ruru Madrid sa bagong teleseryeng gagawin ng GMA. Ito dapat ang gagawin ni Alden Richards na hindi natuloy at ipinagkatiwala kay Ruru Madrid. Sabi ni Ruru, "Sobrang thankful ako dahil para i-offer kay Alden yung show, ibig sabihin malaking project yun. Panibagong yugto sa karera ko 'to kaya nakaka-excite." “That I don't know po. Pero that project was offered to me. “Na-offer talaga siya sa akin pero I don't know what happened, parang there's been a change in story," sabi ni Alden. Kung ganun daw ang nangyari, sabi ni Alden, hindi dapat maging isyu ito. “Okey lang naman po sa akin yun, not really a big deal,” nakangiting sabi ng Kapuso actor. Naniniwala siya na magagampanan nang tama ni Ruru ang kanyang role sa bagong teleserye. Aniya, “The potential of Ruru Madrid is really there. “Si Ruru nakakasama ko siya sa Sunday Pinasaya. “He has the potential as an actor, talagang pinaghihirapan niya lahat ng roles na binibigay sa kanya. “He deserves to have a lead [role] in soap opera in prime time.” - PEP.ph
0 Comments
Leave a Reply. |
10 Recent Post
Archives
September 2019
Categories
All
|