Itinuturing reunion project nina Direk Adolf Alix at Alden Richards ang isang episode ng "Wish Ko Lang," na tatalakay sa buhay ng isang 'doctor to the barrio.' Sa Chika Minute report ni Nelson Canlas sa GMA news "24 Oras" nitong Martes, sinabing hindi siya nawawalan ng panahon para mag-taping sa Kapuso hit show na "Wish Ko Lang" kahit gaano man siya ka-busy.
Sa isa sa mga upcoming episode nito, si Alden ang gaganap sa pagsasadula ng life story ni Dr. Dalvin Kasilang, isang doctor to the barrios na naglaan ng kaniyang buhay para tulungan ang mga kapus-palad Para kay Alden, minsanan lang dumating ang ganitong proyekto na maganda ang materyales kaya hindi niya nais palampasin. Bukod dito, natutuwa ang aktor dahil ang magdidirek sa episode ay si Direk Adolf, na nakasama niya sa short film na "Kinabukasan." Sa naturang maigsing pelikula, hindi lang niya nakatrabaho nag-iisang Superstar na si Nora Aunor, nagtungo pa si Alden sa International Rotterdam Film Festival para i-present ang naturang pelikula. Ayon kay Alden, marami silang planong proyekto ni direk Adolf na gagawin na hindi muna natuloy dahil sa pagdami na ng kaniyang mga proyekyo. Natutuwa naman si direk Adolf na hindi nagbago si Alden at umaasa silang maitutuloy nila ang kanilang mga planong proyekto sa malapit na hinaharap. Mapapanood ang "Wish Ko Lang" episode ni Alden sa darating na Hulyo. -- FRJ, GMA News
0 Comments
Leave a Reply. |
10 Recent Post
Archives
September 2019
Categories
All
|