Nagbahagi ng pagmamahal si Pambansang Bae Alden Richards sa pamamagitan ng pag-donate ng dugo sa Philippine Red Cross sa Kapuso Bloodletting Day ng GMA. “Achievement ito. First time ko mag-donate ng dugo,” kwento ng Kapuso star sa panayam ng GMANetwork.com kanina. Matagal na palang gusto ng aktor na mag-donate ngunit hindi raw siya pinayagan dati kaya achievement unlocked daw iyon para sa kanya. “At last! Na-achieve ko na ang gusto kong mangyari. Sana marami ang ma-inspire to do this as well. It’s saving lives,” saad ng Philippine Red Cross ambassador na nagiging halimbawa upang hikayatin ang ating mga Kapuso na suportahan ang event. Malaki raw ang maidudulot nito sa ating mga kababayan, “You just give out 450 ml of your blood and then you can help a lot of people, especially ‘yung mga kapos-palad na nao-ospital. You can help in such a way na magiging malaki ‘yung impact niyo sa mga nangangailangan, especially ang may sakit.” Kahit marami nang napapasaya ang Pambansang Bae sa pamamagitan ng kanyang talento, hindi nilimita ni Alden kung paano pa niya maibabahagi ang kanyang sarili. Aniya, “This is also sharing in a different way. Ako, mahilig naman ako mag-share talaga ng maraming bagay pero ito, iba ‘yung a part of you, you share to other people.” Sinigurado rin ng Kapuso star na hindi ito ang huling beses na magdo-donate siya ng dugo, “After this, every three months. Maybe I’ll religiously donate my blood every time kasi universal donor ako, and I’m O positive so pwede siya sa lahat ng blood types.” -GMA Network Check out for more Photos Here: Alden Richards in Kapuso Bloodletting Day at GMA Network
0 Comments
Leave a Reply. |
10 Recent Post
Archives
September 2019
Categories
All
|