Ayon sa nag-viral noon na high school yearbook photo at write up ni Queen of All Media Kris Aquino, inilarawan siya ng kanyang mga kaklase na "has a new crush every week."
Hindi ito pinabulaan ni Kris, pero ngayon daw ay loyal na siya.
Sa pamamagitan ng Merienda with Kris web series na inilalabas niya sa kanyang official YouTube account, ibinahagi ni Kris ang ilan sa kanyang mga celebrity crushes. Mayroon din daw silang local celebrity crush. "Kung bata lang ako talaga, si Alden [Richards]. I love Alden. I'm really a fan. Talagang tuwang tuwa ako sa kanya, you know. Kasi ang bango bango niya tignan 'di ba?" pahayag niya. Sa katunayan, apat na beses pa nga daw niyang pinanood ang Martial Law special na pinagbidahan ni Alden na 'Alaala.' Bukod dito, dalawang beses pa niyang pinanood ang TV movie na 'Love Is...' ni Alden at Maine Mendoza. Panoorin ang kuwento ng first meeting nina Alden at Kris:
Source: GMA Network
0 Comments
Leave a Reply. |
10 Recent Post
Archives
September 2019
Categories
All
|