First time dumalo ni Alden Richards sa Grand Fans Day ng GMA Artist Center na ginawa last Friday sa Music Museum at hindi nito binigo ang Kapuso fans na matagal naghintay sa kanya. Kinantahan sila ni Alden at nilapitan ang iba na libre siyang nakamayan. Anyway, hindi pa pala tapos ang taping ng Magpakailanman episode ni Alden na Kuwentong Marawi sa Mata ng Isang Sundalo. This Monday ang last taping day niya na sa Metro Manila lang at hindi na sa Baguio. Sa darating na Sabado mapapanood ang huling episode sa 5th anniversary ng drama anthology hosted by Ms. Mel Tiangco.
“Very inspiring story ang story ni PFC Jomille Pavia, the viewers will learn a lot from his experience. Nabanggit ko sa GMA na gusto kong gumawa ng tungkol sa mga sundalo na lumaban sa Marawi at ito ang ibinigay nila sa akin,” sagot ni Alden kung bakit ang Marawi war experience ni PFC Pavia ang kanyang napili. Masusundan ang guesting ni Alden sa Magpakailanman dahil maggi-guest din siya sa Celebrity Bluff at Dear Uge maging sa iba pang shows ng GMA 7. Samantala, nabanggit ni Alden na aalis sila ng kanyang pamilya for a vacation sa Japan at doon na rin sila magpa-Pasko. Sa December 19 ang alis ng pamilya at hanggang Dec. 27 sila roon. “First out of the country vacation ng family namin ito, masaya at exciting ito. Sa Fukuoka muna kami pupunta three days kami roon at Tokyo na all the way,” tsika ni Alden sa itinerary nila. Isa si Alden sa paboritong i-bash at hindi nauubusan ang kanyang bashers ng isyu. “Nasanay na ako dahil three years na akong naba-bash at pati nga pamilya ko, bina-bash din. Ang maganda lang, sa isang basher, may kapalit na 10 supporters. Hindi na rin ako bothered sa mga paninira nila sa akin na nababasa ko and everyday nga may new isyu sila sa akin,” wika ni Alden.
0 Comments
Leave a Reply. |
10 Recent Post
Archives
September 2019
Categories
All
|