Respeto at malasakit ang deskripsyon ni Kakai Bautista sa naoobserbahan niyang closeness nina Alden Richard at Maine Mendoza habang sinu-shoot nila ang movie na Imagine You & Me, na dinirek ni Mike Tuviera at prodyus ng APT Entertainment, GMA Films at M-Zet Television Inc. Ayon kay Kakai na gumaganap na kaibigan ni Maine, nakikita raw niya ang malaking concern nina Maine at Alden sa isa’t-isa na parang ayaw talaga ng dalawa na magkaroon ng samaan ng loob. Dala raw marahil ng matagal na nilang pagsasama bilang magka-love team ay kilalang-kilala na nina Maine at Alden ang isa’t-isa, kaya ganun na lang ang concern ng bawat isa sa kanila.
Kapag nagpapahinga raw si Alden sa set habang wala pa itong take, dahil sa sobrang pagod nito mula sa iba pang mga commitments, hindi raw ito kinukulit ni Maine. Hinahayaan daw ni Maine na makapagpahinga at matulog si Alden kahit gustung-gusto na raw nitong makipagkulitan sa huli. Masaya raw sa set ng shooting nila dahil masaya ang dalawa. Wala raw kahit anong problemang ibinigay sa produksyon sina Alden at Maine dahil laging good mood sila. Base sa obserbasyon ni Kakai, parang malalim na raw ang ‘relasyon’ ng dalawa, na nagkakaintindihan na ang mga ito sa mga sitwasyon na kailangan nilang pagbigyan. Aminadong kinikilig si Kakai sa tuwing magkukulitan ang dalawa.
0 Comments
Leave a Reply. |
10 Recent Post
Archives
September 2019
Categories
All
|