WALANG press interviews sa media launch nina Alden Richards at Maine Mendoza bilang newest addition sa Bench family nu’ng Wednesday night sa TriNoma Activity Center. After the program ay pumunta kami ng backstage para lang sana magpapiktyur kay Maine, pero dahil nakorner na namin si Meng sa kanyang dressing room ay in-ambush interview na namin ito. May narinig kaming tsika na si Alden ay pumupunta na sa bahay nina Menggay sa Bulacan. Like nu’ng one time daw ay hinatid ni Alden si Maine sa Sta. Maria. Totoo ba ‘yon?
“Ay! Saan nila nakuha ‘yon? Wala pong katotohanan ang mga ganu’ng bagay,” natatawang reaksyon ng Reyna ng Dubsmash. Saktong inuusisa namin si Meng tungkol doon nang biglang sumulpot si Alden mula sa kabila. Hinawi lang ni Bae ‘yung takip na nagdi-divide sa kanilang makeshift dressing room para lumipat sa dressing room ni Maine. Medyo nagulat ang Kapuso heartthrob na may pa-ambush tsikahan na nagaganap, pero naki-join na rin siya sa biglaang interbyuhan. Naabutan niya ‘yung tanong namin kay Meng at ang mabilis na sagot ni Alden ay, “Wala po, wala pong ganu’n.” So, hindi pa siya nakakapunta sa house nina Meng sa Bulacan? “Hindi pa po.” Talaga ba? Si Maine ang sumagot ng, “Yes po, hindi pa. Ang mga ganu’ng bagay ay pawang kathang-isip lamang.” Ibig sabihin, wala pang mga personal na da moves si Alden na tipong silang dalawa lang ang nakakaalam? “Ikaw nga ang sumagot, Alden…” natatawang pasa ni Meng kay Tisoy. Wala pa bang mga ganern? “Wala ba? Ha! Ha! Ha! “‘Yun pong mga labas-labas namin, gaya nu’ng nag-Boracay kami, siyempre may things na kami na lang ‘yung ano…” May nakapagtsika kasi sa amin na bago umalis si Alden pa-Canada before Holy Week ay hinatid niya si Maine sa bahay nito sa Bulacan. Meganern?! “Ay, hindi po. Wala pong gano’n,” tanggi ni Bae. “Ano ba ‘yon? Saan ba nanggagaling ‘yung mga ‘yon? Ha! Ha! Ha!” tawa na lang ni Menggay. *** Napa-“Huyyy!!” si Alden nang hiritan namin na ka-level na niya si Daniel Padilla dahil pareho na silang mukha ng Bench Fix Salon at endorser ng Bench Fix Professional Styling Tool na Clay Doh. Sey ng Pambansang Bae, happy siya na part na siya ng Bench Fix family. Paliwanag niya, ‘yung kay Daniel ay Clay Doh, sa kanya naman ‘yung bagong variant nito na Clay Doh Lite. “Happy po kami ni Maine na na-consider kami ni Sir Ben (Chan, owner ng Bench empire) na maging endorser ng Bench,” sey ng hottest Kapuso actor. Hindi pa endorser ng Bench apparel si Alden dahil nag-extend ang kontrata niya sa isang apparel brand na noon pa niya ineendorso. Sabi ni Tisoy, mas hair-friendly at mas madaling banlawan ang Clay Doh Lite (P50 ang 25g; P135 ang 80g). Ito ang ginagamit niya araw-araw ‘pag pumapasok siya sa Eat Bulaga para laging ayos ang hair niya. Habang nasa stage sina Alden at Maine ay ni-request ng host na si Rico Robles na haplusin ni Meng ang hair ni Bae, na ginawa naman ni Menggay kaya tilian galore ang TriNoma crowd. Si Maine, bukod sa Bench apparel ay may tatlong body spray sa Maine Scents ng Bench -- Maine Girl, Maine Love at Maine Forever (P128 per bottle). Meron din siyang sariling eau de toilette na A Dab of Love (P248 kada bote). Ang A Dab of Love (na word play mula sa famous character niyang Yaya Dub) ang pinaamoy na niya kay Alden dahil ‘yun ang pinaka-special niyang pabango na gawa ng Bench. Ayon sa Bench, involved si Maine mula sa pagpili ng design, packaging, hanggang sa pagpili ng actual scents dahil gusto nitong maging parte ng buong proseso. Sobrang happy si Meng at hindi siya makapaniwala na meron na siyang Maine Mendoza Celebrity Scents Collection. Dream come true ito for her kaya very thankful siya sa Bench. Todo ang kilig ng dumagsang AlDub Nation sa Bench launch ng AlDub/MaiChard dahil swit-switan ang dalawa sa entablado. Habang nagsasalita si Alden ay pinunasan ni Maine ang pawis nito sa mukha kaya wagas ang hiyawan ng fans. Ang sabi ng dalawa, natuwa sila to perform again together. Tamang Panahon feels daw ang moment nila that night, sey ni Meng. Hiwalay kasi silang nag-perform at may kanya-kanya silang dance prod. Mala-split screen ang drama na hindi sila pinagtatagpo sa stage. Nagsama na lang ang dalawa nu’ng biglang lumabas si Maine habang kumakanta si Alden ng God Gave Me You. Panay ang akma ni Tisoy na hahalikan si Meng kaya, hiyawan pa more ang TriNoma crowd. At the end of the mini show ay may mensahe pa ang dalawa para sa mga heartbroken. “Gayahin n’yo lang po kami ni Maine para mawala ‘yung lungkot n’yo,” nakangiting sambit ni Bae. “Opo. At manood kayo ng Eat Bulaga para kilig-kiligin kayo!” natatawang pakli naman ni Meng.
0 Comments
Leave a Reply. |
10 Recent Post
Archives
September 2019
Categories
All
|