![]() Bahagi ng mga impormasyon tungkol sa Pambasang Bae na si Alden Richards na nakasaad sa inilabas niyang libro na, "Alden: In My Own Words," ang pagtulog niya sa sahig kahit mayroon naman siyang kama sa bahay. Sa "Chika Minute" report ni Nelson Canlas sa GMA News 24 Oras nitong Sabado, sinabing hot item pa rin ang inilabas na libro ng Kapuso actor na, "Alden: In My Own Words." Sa naturang libro, mas makikilala ng publiko ang katauhan sa likod ng tinaguriang "Pambansang Bae" at isa sa mga "Eat Bulaga" dabarkads
Natawa si Alden nang biruin siya tungkol sa kanyang pagiging metikuloso. Nakasaad kasi sa kaniyang libro na ayaw niyang umaalis ng bahay na hindi maayos ang kanyang higaan. Kaya naman kung mayroon daw early flight o kailangan niyang umalis ng maaga, mas pinipili ni Alden na sa sahig na lang natutulog para maayos niyang iiwan ang kama. "Para hindi malukot yung kama," natatawa niyang reaksyon. "Yun ang mga things na makikita nila dun sa libro." Mismong si Alden daw ang nag-reveal ng mga personal trivia na nakasaad sa kanyang libro. At likod ng libro, makikita ang isa sa kanyang ultimate throwback picture-- ang kaniyang graduation photo noong nasa kindergarten school pa siya. Bukod sa libro, mayroon na ring perfume line si Alden na naging matagumpay din ang grand launch. "To all the supporters, to all the fans po who came for this launch, maraming salamat po,"saad ni Alden.
0 Comments
Leave a Reply. |
10 Recent Post
Archives
September 2019
Categories
All
|