Bukod sa pagiging malapit na magkaibigan nina Maine Mendoza at Alden Richards, nakatulong rin daw sa pagbuo ng kanilang kauna-unahang solo movie na "Imagine You & Me" ang pagiging pamilyar ng mga katangian ng kanilang ginagampanang karakter. Ayon sa phenomenal Kalyeserye loveteam, nakaka-relate raw sila sa pagkatao nina Gara at Andrew, ang mga bida sa nasabing romantic comedy film na ipapalabas na ngayong Hulyo. "Maraming similarities si Maine at Gara. Siguro, isa na ‘yung pagiging masayahin, optimist, at hopeless romantic," paliwanag ng Kalyeserye sweetheart at Dubsmash Queen sa mga miyembro ng press nitong Sabado.
Para naman sa Pambansang Bae, nakuha rin daw ng karakter niyang si Andrew ang pagiging emosyonal niya sa tunay na buhay. Aniya, "As Andrew, nagiging relatable siya with Alden dahil grabeng masaktan, sensitive, but he doesn’t show it. It’s all inside. Pero kapag napag-usapan, nagkaroon ng way para mapag-usapan, he breaks down. May ganoong attitude na pareho rin sa akin." "But he also always fights for what he wants, he never gives up, and gusto niya ng closure in everything. ‘Yun naman ang good qualities ko rin." dagdag pa ni Alden. Biro ng dalaga, "Kailangan niyo ng oxygen... Kailangan niyo rin ng diaper. At hospital bed. I-ready na ang stretcher sa labas ng mga sinehan!" Makapupulot rin ng magandang aral sa buhay ang mga manonood ng pelikula simula ngayong July 13. "Never give up for the things that you love and the people that you love. One way or another, kahit na isipin niyo na hindi para sa inyo ang isang bagay, kung wala kayong ginagawa para ipaglaban ‘yun, hindi niyo talaga makukuha," ayon kay Alden. Kabilang sa mga bubuo ng kauna-unahang solo movie ng AlDub loveteam sina Yayo Aguila, William Martinez, Luis Alandy, Elijah Alejo, Cacai Bautista, Jerald Napoles, Cai Cortez, at marami pang iba. Ayon kay Alden, isa lamang ang pelikulang ito—na kinunan pa sa iba't ibang bahagi ng Italy—sa mga sorpresa nila para sa nalalapit na pagdiriwang ng kanilang unang anibersaryo bilang love team ngayong Hulyo.
0 Comments
Leave a Reply. |
10 Recent Post
Archives
September 2019
Categories
All
|