JERRY OLEA: Big factor si Alden Richards kaya tinanggap ni Coney Reyes ang Kapuso telefantasyang Victor Magtanggol, kung saan mag-ina ang kanilang mga karakter. “Gusto ko ring malaman kung paano ‘yon, batang ‘yon,” nakangiting sambit ni Coney sa mediacon ng telefantasya nitong Hulyo 23, Lunes ng gabi, sa Studio 7 ng GMA Network, QC.
“Kasi, nung first time na na-meet ko yung batang yun, magaan kaagad yung loob ko sa kanya. “'Tapos, nung nag-work kami, mas lalo pa. "Nung first scene nga namin, sabi niya, naalala niya yung mama niya sa akin. “So, nagkuwento siya, naluha na rin ako nun! Naluluha na siya! Pagkatapos, ako rin. “Feeling ko, parang anak ko siya. 'Tapos, feeling niya, mama niya ako. "Kaya nag-bond kami. Nag-akapan na kami agad. “Sa first ano pa lang namin... before we took our first scene, nag-akapan na kami talaga. Nag-bond na kami talaga! “So, yung mother-son na role namin, talagang... angkop!” Sa isang park sa Japan kinunan ang naturang eksena. Iyon ang unang eksena ni Coney sa programa, at iyon rin ang unang eksena na nagkasama sila ni Alden. “Masarap katrabaho si Alden,” saad pa ni Coney. “Walang ano. Ahh... simple, walang kaere-ere. Wala lang! Normal. Normal... and he’s so hard working. “Masarap kasing magtrabaho ng... like siya, yung stature niya, sikat siya, ganyan-ganyan. Parang naano ako... “Gusto ko ring makita kung paano mag-work ang batang ito... “At dito ko lang ito nasabi... in that scene with Alden, on the first take namin, I asked him, sabi ko, ‘Can we pray?’ “We prayed before that scene. “I think it was a real anointed scene. A real mother-and-son na... yung hurt, longing ng anak sa nanay, na nasaktan nung... may nakita kasi siya, e. “'Tapos ako naman, longing ko rin sa anak ko. Kasi, mahal na mahal ko sila. But I had to leave. I had to go. “So, we prayed for that scene.” NOEL FERRER: Ibang klase kapag katrabaho mo si Tita Coney Reyes. Parang tunay kang napapalapit sa Diyos. Sana i-bless nga ng unli-positivity ang Victor Magtanggol, kasama na ang todo-buhos na suporta para maganda at magaling ang kalalabasan. GORGY RULA: Positive lang. Yun ang laging sinasabi ng co-stars ni Alden sa presscon ng Victor Magtanggol kagabi. Napakagaan daw kasi katrabaho ng Pambansang Bae na hindi raw talaga nagbabago. Kaya nga kahit ang ilan sa kanila ay nakakatanggap ng pamba-bash, hindi na nila ito pinapansin. Mas maganda raw na isipin na lang ang masasayang trabaho nila sa taping. Kaya deadma na sila sa mga bashing. Sabi nga ni Andrea Torres, na hindi rin nakaligtas sa pamba-bash nang lumabas ang item na kasama siya sa bagong telefantasya na ito ng GMA Telebabad, “May nababasa din po ako, pero hindi kasi ako nagbibigay ng focus masyado sa negative, e. "Parang conscious effort talaga na gusto ko laging positive ang pumapaligid sa akin. "Pag nakikita ko yung bashing na yun, dini-delete ko na lang. "Ayoko nang basahin din kasi mag-stick pa yun sa iyo, e." Mas binabasa raw niya ang mga positibong komento sa pagsali sa kanila sa Victor Magtanggol. Kahit nga si John Estrada na bago pa lang sa GMA-7 ay kaagad na nakapag-adjust dahil ang bait daw ng co-stars niya, lalo na si Alden at ang lagi niyang kasama sa eksenang si Pancho Magno. “Ang bait nila, as in ang feeling ko, ang tagal ko na dito sa GMA,” pakli ni John.
0 Comments
Leave a Reply. |
10 Recent Post
Archives
September 2019
Categories
All
|