Alden Richards and Maine Mendoza will be less visible in Eat Bulaga!'s Kalyeserye, but they will be seen daily in a new GMA primetime series. It will be Maine's first teleserye and according to Alden, "Yung acting prowess niya, hindi pa niya nadi-discover, pero meron, e. I can see it sa workshop namin. Kumbaga, ibang Maine po ang makikita natin dito kasi yung role niya dito medyo challenging." Napangiti si Alden Richards nang matanong kung alam ba niya ang interview ni Kris Aquino kay Maine, kung saan sinabi ng huli na ang tanging wish niya ay magkaroon ng "genuine happiness."
Ang Pambansang Bae ba ang makapagbibigay ng genuine happiness na hinihingi ni Maine? “Siguro po,” nakangiting sagot ni Alden. “Si Maine naman po kasi, siguro ang nararamdaman lang niya ngayon… siyempre po ang daming bago, its all new to her. “Siguro po hindi niya akalaing darating sa kanya ito. “I think she’s figuring things out by herself.” Nagbigayan na raw ng Christmas gifts sa isa’t isa sina Alden at Maine sa Christmas party ng Eat Bulaga! nung kamakalawa lang. Pero sa kanila na raw muna kung anuman ang mga iyon. Sandaling nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Alden sa Concha’s, ang bagong restaurant niya sa Quezon City, nitong Martes, December 20. FIRST TELESERYE. Naniniwala si Alden na mas magiging matingkad ang relasyon nila ni Maine Mendoza sa mga darating pang panahon. Lalo’t mas madalas silang magkakasama sa unang teleserye nila ni Maine sa GMA Network, ang Destined To Be Yours. Ngayong araw, December 21, ang first taping ni Alden sa Kamuning , Quezon City. Si Maine ay magsisimula na rin na sa Quezon province naman ang location. Ani Alden, “Ang tagal kong nabakante. "Medyo may nerbiyos ng konti kasi halos one-and-a-half [year] din akong di nakapag-soap. “Nakapag-workshop naman po kami, siguro mga three weeks ago. “Ang tagal ko na pong hindi nakapag-arte sa TV, e.” Ang huling teleserye na pinagbidahan ni Alden ay ang Ilustrado noon pang 2014. Pero nagkaroon siya ng special participation sa mga Kapuso primetime series na Pari 'Koy, That's My Amboy, at Encantadia. NEW CHALLENGES. Ibinahagi ni Alden na kinakabahan pa rin si Maine, at sa tingin daw niya ay kailangan lang nito ng confidence sa kanyang kakayahan sa pag-arte. Ayon sa aktor, “Si Maine po kasi, yung acting prowess niya, hindi pa niya nadi-discover, pero meron, e. “Minsan siya pa mismo ang nagdi-deny na parang hindi raw niya kaya, hindi pa raw siya marunong umarte. “Sabi ko, akala lang niya yun... meron, e, I can see it sa workshop namin. “Kumbaga, ibang Maine po ang makikita natin dito, kasi yung role niya dito, medyo challenging.” Sabi pa ng Pambansang Bae, “May challenge din po ang role ko. “But, yung parang extra effort to portray the character, mas may intensity, mas may bigat.” Pagbabalita pa ni Alden, sa susunod na taon ay puspusan na ang taping nila ng Destined To Be Yours. Kakayanin pa ba nila ni Maine ang mag-Eat Bulaga! kung halos araw-araw ay nasa taping sila? Paano na ang Kalyeserye? Tugon niya, “With regards po sa Kalyeserye, hindi pa po ako sure. “Pero rest assured na magiging visible pa rin po kami ni Maine sa Eat Bulaga, may participation pa rin po kami.” Dagdag ni Alden, “Sa akin naman po, parte na ng buhay ko ang Eat Bulaga. “Kung hindi sa Eat Bulaga, hindi ko naman po mararating yung mga narating ko. “Most likely, hindi po daily, hindi lilipas ang isang linggo na hindi kami makikita ng mga tao.” THANKFUL. Ngayong patapos na ang taon, nasabi ni Alden na higit pa raw sa hiniling niya sa Diyos ang naibigay sa kanya. Kaya wala na raw siyang mahihiling sa darating na taon. Saad niya, “Nandiyan po yung AlDub, naging part po ako ng Eat Bulaga. “Dumami po yung endorsements, nagkaroon ng business ventures like this. “Wala na po akong mahihiling, ito na yung lahat na pinangarap ko. “Siguro po talaga, sabi ni Lord, 'If you keep the faith and keep yourself humbled,' bibigyan ka Niya ng hindi mo mahahawakan. “Sana po for next year, good health, yun naman talaga yung number one, kasi ang hirap kalaban ng sakit. “Kung i-bless man po ako ni Lord ng more than what I have now, sana po maging stable ang lahat. “Including the family po sana, walang magkakasakit.” Source: PEP.PH
0 Comments
Leave a Reply. |
10 Recent Post
Archives
September 2019
Categories
All
|