Base man sa Norse mythology ang ilang bahagi ng kuwento ng upcoming GMA telefantasya na Victor Magtanggol, nananatiling itong may pusong Pinoy. Sa Pilipinas pa rin ang setting ng karamihan sa mga eksena sa serye. Bukod dito, sa kasalukuyang panahon din magaganap ang mga tagpo sa kuwento.
Kaya naman sa isang eksklusibong panayam ng GMANetwork.com tinanong namin si Alden: Sa tunay na buhay, ano ba ang mga katangiang dapat taglay ng isang modern superhero? "Realistically speaking, you don't really need superpowers. You just need to have super attitude," sagot niya. Ipinaliwanag naman niya kung ano ang 'super attitude' na tinutukoy niya. "Awareness of the situation, awareness of ano ba 'yung current events na nangyayari—how can you be part of that in your own small way?" panimula niya. "Also, taking care o the ones around you. Siguro 'yun 'yung mga qualities ng modern superhero na dapat nating makita sa ngayon. In our society now we need a lot of them," pagpapatuloy niya. Umaasa din siyang magiging isang mabuting huwaran at paalala si Victor Magtanggol sa mga manonood dahil sa iba't ibang yugto ng show, magpapakita ito ng mga katangiang Pinoy tulad ng tiyaga, katatagan ng loob at pagiging maparaan. "Us Filipinos, tayo-tayo lang naman ang magtutulungan. Minsan, we need to step up the game a little," pahayag niya. Abangan si Alden sa superhero telefantasya na Victor Magtanggol, malapit na sa GMA Telebabad!
1 Comment
7/17/2018 08:39:37 am
Every organization wants to create a drug-free workplace to ensure safe, healthy and productive working environment. In addition to the organizations' personal interest, the federal laws, especially the Act, 'The Drug-Free Workplace Act of 1988', compels the employers to take action against drug usage at workplace. One of the common and effective methods employed by employers to assure a drug-free workplace is 'workplace drug testing'.
Reply
Leave a Reply. |
10 Recent Post
Archives
September 2019
Categories
All
|