Alden Richards asked GMA-7 if he could be part of the creative team of Victor Magtanggol. Level up na si Alden Richards sa pagbabalik prime-time series niya dahil hindi na lamang siya bidang actor ng Victor Magtanggol, bahagi na rin siya ng creative team ng GMA-7 teleserye.
Kahit nakatanggap ng ilang kritisismo nang ilunsad na ang costume niya, sa tingin ni Alden ay posibleng nagulat lang daw ang ilang netizen nang unang lumabas ang costume niya bilang si Hammerman. “Patikim pa lang po kasi yun,” nakangiting sagot ng Pambansang Bae. “Posibleng nagulat lang sila sa konsepto ng Victor Magtanggol. Yung title, tapos yung costume. Pero kumbaga, nagwu-work naman po yun as long as continuous ang promotion at kapag nakita na nila ang buong material ng show.” Yung pagiging parte niya ng creative, paano ito nangyari? “Tiningnan ko lang po since kumuha po ako ng workshops abroad. Nagkaroon po ako ng eyeopener when I did the workshop with Anthony Bova. “Possible pala yun, na puwedeng maging part ng creative process ang artista. Kasi, ang top three po na kailangang involved lahat, the director, the writer, and the actors. “In that sense po, since comeback po ‘to, since Victor Magtanggol, first title role ko po, nagtanong po ako kung possible po ba na in a way, maging part ako ng creative team nitong V.M.” Nang sabihin daw niya ang ideya na ito sa mga bosses ng GMA-7, mabilis naman daw na pumayag. “Wala pong second thoughts, pumayag po ang mga boss ko sa GMA. Nakakatuwa po, talagang they really listen to my voice. Hindi po sinabing sige, part ka ng creative but we will still do things in our way. “Nagulat nga po ako minsan, may mga parts na [tatanungin nila], 'O, Alden, okay ka ba rito? Okay ba sa ‘yo ang script? Okay ba sa ‘yo ang costume?' "Which made me even love Victor Magtanggol. Parang may sense of ownership, e.” Pagdating sa cast, hindi raw siya nakialam dahil hindi naman daw siya namimili pagdating sa kung sino man ang makakasama niya sa kahit anong proyekto. Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Alden sa ginanap na grand media conference ng Victor Magtanggol sa Studio 7 ng GMA Annex Building noong July 23. ASPIRING DIRECTOR. Hindi naman itinanggi ni Alden na may posibilidad na pasukin din niya ang directing pagdating ng araw. “Parang papunta rin po tayo run,” nakangiting pag-amin ng 26-year-old actor. “Iba rin po kasi yung nagta-trabaho ka sa likod ng camera. Iba rin ang fulfilment.” Nag-post sa social media si Alden saktong isang linggo bago ang pilot ng Victor Magtanggol. Sa post niya, tila countdown niya ito para sa pilot episode na ipapalabas sa July 30. Hindi biro ang magiging katapat nilang ABS-CBN primetime series na subok na pagdating sa ratings: Ang Probinsyano na pinagbibidahan ni Coco Martin. Gaano kalaki ang kaba at pressure na nararamdaman niya dahil parang lahat ng mga mata, sa kanya nakatuon dahil comeback teleserye niya ito? “Siyempre, may kaba po kasi ang itatapat sa atin, nandiyan na po, matagal na pong nandiyan,” pag-amin ni Alden. “At saka, matatag na po ang na-establish na viewership. Pero, confident naman po ako sa material ng Victor Magtanggol. Sana magustuhan ng audiences. “Sana maging successful ang takbo namin. “Kumbaga, yung effort po namin dito as a team, effort po ng post-production who created all the effects, hindi po biro, e. Wala na pong tulugan. “Sana po tangkilikin siya dahil isa po ito sa maipagmamalaki kong project ngayong taon na ‘to.” Napanood na raw niya ang pilot episode at tahasang sinasabi ni Alden na nahigitan pa raw sa expectation niya ang napanood niya. “Hindi po talaga sa pagbubuhat ng bangko ng Victor Magtanggol, pero nahigitan pa po ang expectation ko when it comes to effect. Nagulat po ako na kaya na pala ng mga Pinoy na makapag-produce ng ganitong klaseng effects. “With the right time, right equipment and right project,” lahad niya. Kuntento raw siya na ang Victor Magtanggol nga ang ibinigay na proyekto sa kanya ng network bilang pagbabalik niya bilang solo actor. “Opo, malaking proyekto po ‘to,” saad niya. “Kumbaga, ayoko rin po na i-let-down yung mga bossing ko, mga management sa taas. “So sana po, sana po mag-work at sana po matuwa rin sila."
0 Comments
Leave a Reply. |
10 Recent Post
Archives
September 2019
Categories
All
|