Sa pagbisita ni Kapuso actor Alden Richards sa Kapuso Artistambayan, nagbahagi siya ng ilang detalye tungkol sa kanyang costume sa upcoming GMA Telebabad series na Victor Magtanggol. Ayon sa kanya, naka ilang revisions daw sila bago naperpekto ang superhero costume.
"Yung journey noong paggawa nung costume namin, medyo naging difficult siya on our end kasi siyempre we made it as original as possible. Madaming naging revisions from the first layout all throughout noong ma-achieve namin 'yung costume na ginawa namin at sinuot ko. Naka three to four revisions kami," paliwanag niya. Naging very involved din daw siya sa pag-develop ng costume na ito. "Malalaman kasi 'yun when you're really an actor. You'll feel certain things that fit you well and if it's right sa pakiramdam," aniya. "And then noong sinukat ko na nitong huli, ito na 'to. Superhero na 'yung pakiramdam ko dito. Kasi noong una, kawal eh. Parang ako 'yung kontrabida eh. Mali!" biro pa niya. Masaya naman daw si Alden sa kinalabasan nito, lalo na nang gamitin na niya ito para sa kanyang mga eksena. "Happy ako. Noong una ko siyang sinuot in public when we were shooting sa mall, noong naglalakad ako sabi ko may swag. May swag 'yung costume 'pag suot ko siya. Doon ko naramdaman na tama na. That's the right feeling. Superhero na talaga," kuwento ni Alden. Panoorin ang ilang bahagi ng kanyang pakikipagkulitan sa Kapuso Artistambayan kasama sina Joshua Jacobe at Victor Magtanggol co-star Yuan Francisco. -- GMA Network --
0 Comments
Leave a Reply. |
10 Recent Post
Archives
September 2019
Categories
All
|