Dati pa raw ay may mga natatanggap nang banta sa kanyang buhay si Alden Richards at ang pamilya niya. Ang iba man daw dito ay hindi nila itinuturing na seryoso, hindi pa rin sila nagpapakampante at humiling na sila ng tulong mula sa National Bureau of Investigation (NBI). Binigyang linaw ni Alden Richards ang tungkol sa death threats na kanyang natatanggap at ng pamilya niya.
Ayon sa Pambansang Bae, bago pa man mag-post sa Facebook ang ama niyang si Richard Faulkerson Sr. noong Linggo, September 25, marami na siyang natatanggap na banta sa kanyang buhay. Saad ng 24-year-old Kapuso star, “Since the beginning naman po, before that issue, I already have my own life-threatening situations. “I asked the help of GMA Artist Center and from the NBI to do something about it. “We’ve been taking actions naman po with regards to that.” Pero naniniwala silang hanggang mga banta lamang ito at hindi talaga seryoso. Paliwanag ni Alden, “Kasi ang akin lang naman po, if you’re threatening someone, there’s a 90 percent probability na hindi mo siya gagawin because you are threatening. “Yung mga nagti-threat, hindi nagsasabi ‘yan. Ginagawa na lang nila. “There are a lot of people like that, especially in social media. “Napakadaling gumawa ng statements and threats like that. “Pero so far naman po, we’ve been very careful with that and, kumbaga, we just take extra caution kapag nasa labas. “Kumbaga, yung mga threats like that are being done by people na siguro walang magawa.” Sa ngayon daw ay ipinauubaya na nila sa National Bureau of Investigation (NBI) ang mga pananakot na ito. Samantala, masaya naman si Alden dahil muli siyang pinagkatiwalaan ng GMA Network ng isang exclusive contract na medyo matagal-tagal daw ang termino.
0 Comments
Leave a Reply. |
10 Recent Post
Archives
September 2019
Categories
All
|